Pages

Thursday, February 21, 2013

Tikman ang lutong Meycauayan!!

 
Nais mo bang makatikim ng kakaibang putahe? Halina't tikman ang napakalinamnam at masustansyang Pancit Luglug na gawa ng mga Bulakenyong taga-Meycauayan.

PANCIT LUGLUG


Pansit Luglug is another popular Pinoy noodle dish. It made up of rice noodles blanch in boiling water and topped with shrimp sauce called palabok, made up of shrimp sauce that is flavoured with annatto which also give a bright orange tint. It is then topped with the paalat, a sautéed mixture of garlic, ground pork and diced firm tofu. For added flavour and visual appeal it is garnished with smoked fish flakes, crushed pork cracklings, shrimps, boiled egg wedges, fried garlic and chopped spring onions. And served with kalamansi.



Nais niyo bang malaman kung papaano iluto ang kakaibang putaheng ito mula sa Meycauayan?


Ingredients:1 kilo thick bihon noodles, cooked               Red sauce                                                1/2 kilo ground pork4 cake firm tofu, diced2 cup shrimp broth1/2 cup chopped kinchay1/2 head garlic, chopped1/2 cup annatto watersalt and peppercooking oil

Cooking procedure:
In a saucepan, sauté garlic. Add ground pork and stir cook for 3-5 minutes or until meat turns to golden brown, add tofu, kinchay and annatto water, stir cook for another 3-5 minutes. Add shrimp juice and let boil, simmer for 5 to 10 minutes, season with salt and pepper to taste. Remove from pan and keep aside.                                          

MGA LARAWAN HABANG GINAGAWA ANG PANCIT LUGLUG:

  


 

  ANG MGA NAGING REAKSIYON NG MAMAMAYAN TUNGKOL SA PANCIT LUGLUG:
       
health cover said...
I missed my Filipino friend who cooked me this here in abroad..

Thanks for sharing this great recipe... God bless :)

  ASADO DE CARAJAY







Basta sa Meycauayan, May Kasikatan!!






Hindi ba’t kamangha-mangha ang galing at talento ng mga  Bulakenyong taga Meycauayan?


Proyekto sa Filipino:
Abigail Landicho
Alec Nicole Anne Centro
Raven de Guzman
Louisse Philline Almero
Sharyn Corpuz
Guro:
Mr. Marvin Dawisan


Mga Sikat Na Personalidad Sa Meycauayan

Joan Alarilla
MULA nang mahalal noong taong-2007, namalas ang walang-maliw na dedikasyon ni kagalang-galang Joan Velasco Alarilla bilang Punong-Lungsod ng Meycauayan at iyon ay nagpatuloy sa muli niyang pagkapanalo noong halalan 2010.
Sa ikaanim na taon ng kanyang panunungkulan, wala nang pag-aalinlangan sa layunin at programa ng pamahalaan ni Punung-Lungsod Alarilla.
Iyan ay ang maipag­patuloy ang adhikain ng kanyang namayapang ka­biyak na si dating-Punong Lungsod Eduardo A. Ala­rilla na nangarap at nagsi­kap para pagyabungin ang isang maayos, mapayapa at progresibong Meycauayan.
Sa pagsasakatuparan ng pangarap na iyun, ang mamamayan ay nagtata­masa ngayon ng mataas na kalidad ng pamumuhay dahil sa mga programa at proyekto na matutunghayan sa kasalukuyan.
MGA MATAGUMPAY NA PROYEKTO
Pagsasaayos ng Pamilihang Bayan—Sa ilalim ng Build Operate and Transfer Agreement, walang ginastos ang Pamahalaang Lungsod bagkus kikita pa sa pag-upa ng kompanyang gaga­wa nito. Pagkaraan ng 25 taon ay ililipat ang pagpa­patakbo at pangangasiwa ng pamilihan sa Pamaha­laang Lungsod.
Pagtatayo ng Mey­cauayan Common Trans­port Terminal—itinayo sa Bgy. Malhacan para sa kaligtasan at kaginha­waan ng mga pasahero at para na rin sa kapakanan ng mga transport group na bumibiyahe pa-Norte hanggang Malolos at pa-Maynila.
Dalaw-Ugnayan sa Barangay—ang progra­mang naglalapit at nagpa­paabot ng mga pampub­likong paglilingkod sa 26 barangays ng Lungsod. Dala-dala ng mga kawani ng Pamahalaang Lung­sod ang serbisyong medi­cal, dental at kasama na rin ang mobile laboratory exams.
Ipinaabot din pati ang pagbabakuna sa mga aso, pamimigay ng seed­lings o binhi, pagda­raos ng job fair at pag­bibi­gay ng impormasyon ukol sa mga programa, proyekto at serbisyo ng Pamahalaang Lungsod.
Pagdaraos ng sesyon ng Sanguniang Panglungsod at Sangguniang Pambarangay—upang matalakay ang kasalukuyang mga programa at ga­wain lalo na ang issues at concerns ng barangay na nangangailangan ng legis­lative action.
Pagkakaloob ng scholarships—pagtulong sa mga walang kakayahan ngunit karapat-dapat na patuloy makapag-aral sa pamamagitan ng Mariano Quinto Alarilla Scholar­ship Foundation. Pagtatayo at pag­sasaayos ng mga gusali ng paaralan at pagkakaloob ng mga gamit pang-esku­wela — bilang pagtupad sa pangakong bibigyan ng mataas na antas ng edu­kasyon ang kabataan. Sa taon ding ito, binuksan ang Meycauayan National High School Extension sa Bgy. Caingin kung kaya’t nadagdagan na ang mga kabataang Meycaueños na makikinabang dito.
H.E.A.L. (Healthy En­vironment Action for Life) Meycauayan River—patu­loy na pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagi­tan ng pagpapatupad ng proyekto, kung saan tuloy-tuloy na inaalis ang mga water lily at mga basura sa ilog.
Bilang bahagi ng rehabilitasyon ng Meycauayan-Marilao-Obando River Sys­tem, ang Septage Treatment Plant ay sa lungsod mis­mo itinayo sa pakikipag-ugnayan sa DENR-EMB, Manila Bay Coordinating Office at Pamahalaang Panlalawigan.
Ukol naman sa isyu ng basura, ang Material Re­covery Facility na siyang pinakamalaki sa lalawigan ng Bulacan ay patuloy na pinapatakbo upang iproseso ang mga basurang na­hahakot sa Lungsod.
Pink Jeepneys—Sa pagpapaibayo pa ng mahusay na ser­bisyo publiko, ang isang bus at dalawang coast­ers na nailabas noong unang termino ng Punong-Lungsod ay nagdagdagan pa ng tatlong “pink jeepneys” upang magka­loob ng libreng transportasyon sa mga kawani ng Pamahalaang Lung­sod at sa mga mamama­yang patungo sa City Hall.
Ang na­turang mga sasakyang ito ay ipinahihiram ng private associations at NGOs bilang public ser­vice sa mga gawain at gampaning nagpapala­kas ng pagsasamahan ng pribadong sektor at ng pamahalaang panglungsod.
MGA KARANGALAN NATAMO
At bilang pag­kilala sa kagalingan ng kanyang pamamahala, ang Lungsod ng Meycauayan ay isa sa pamahalaang lokal na nagawaran ng “Seal of Good Housekeeping” ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal noong Oktubre 4, 2011 at pinag­kalooban ng P20 milyon pondo mula sa Local Government Support Fund.
Ginagamit ang naturang pondo sa pag-aayos ng kalsada at drainage system sa tatlong barangay para masolusyonan ang su­liranin sa pagbabaha.
Sinundan pa ito ng pagkakaloob ng pondo sa halagang P3 milyon mula sa Performance Challenge Fund, isang insentibo para sa mga lokal na pama­halaan dahil sa mahusay na pagganap ng kanilang tungkuling mapagserbisyuhan ang mamamayan at mapaunlad ang kanilang pamayanan bukod pa sa pagpapatu­pad ng mga pro­grama at proyektong tu­mutugma sa adhikain ng pamahalaang pambansa.
Ang P3 milyon ay tatapatan ng Pamaha­laang Lungsod ng P3 milyon din at iuukol sa pagpapatayo ng Action Center/Drop-In para sa Children in Conflict with the Law at mga bik­tima ng Violence Against Women and Children sa compound ng City Hall.
INA, ILAW AT PINUNO
Ilan lamang ang mga tinuran sa matagumpay na programa at proyekto na lalong nagpahusay serbisyo-publiko at walang-bahid at buong-pusong paglilingkod ng kagalang-galang Pu­nong-Lungsod Joan Ve­lasco Alarilla.

Lydia De Vega-Mercado
Si Lydia De Vega ay isang kilalang atleta. Siya'y tinaguriang pinakamabilis sa larangan ng pagtakbo sa Asya noong 1980's. Noong taong 1987, 1991 at 1993, siya ay naguwi ng gintong medalya sa 100 meter dash sa Southeast Asian Game.



Rey Valera
Reynaldo Valera-Guardiano o mas kilalang Rey Valera ay tinaguraiang Mr. Hitmaker noong dekada 80. Isa siyang mahusay na mang-aawit at madami na din siyang nasulat na awitin na sumikat sa iba't-ibang parte ng Pilipinas, nang dahil doon ay sumikat pa siya ng husto.

Proyekto sa Filipino:

Abigail Landicho
Alec Nicole Anne Centro
Raven de Guzman
Louisse Philline Almero
Sharyn Corpuz

Guro:

Mr. Marvin Dawisan

Pagkilala sa Meycauayan


Maikling Paglalarawan at Kasaysayan: Ang Meycauyan ay isang maunlad at urbanisadong bayan sa Bulacan. Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ito ang naging tawag sa probinsyang ito. Karamihan sa atin ay may iisang kaisipan tungkol sa pangalang Meycauayan, at ito ay ang mga katagang “may kawayan”. Sa katunayan, ito ang tunay na pinagmulan ng pangalan ng bayang ito.


Proyekto sa Filipino:


Abigail Landicho
Sharyn Louise Corpuz
Raven de Guzman
Louisse Philline Almero
Alec Nicole Anne Centro

Subject Teacher:
G. Marvin Dawisan